Bituin ⭐ Sa dami nila ikaw ang aking napili At sa daming pagkakataon kelan naman ba ako magwawagi Ang aking puso'y hindi na naintindi Lintik na pag-ibig ginagawang tanga ang aking sarili. Lumiwanag ka higit sa kaya ng iba Kaya nama'y hindi na nagpaligoy ligoy pa't pinansin ka Nagbabakasakaling iba ka sakanila Iba ka nga ba? O tulad ka lang din nila? Mahusay ka sa maraming bagay Pero tayo? Hindi pala tayo ang bagay Ang pag ningning ko'y hindi pala para sayo Siguro nga'y hindi nakatakda ang tayo sa dulo. Bituin bakit ka napundi? Sana'y lumiwanag kang muli At kahit hindi man ito para sakin Pero sana'y may mapasaya ka'ng muli At sana'y mag bago ang mali mong mga gawi. Ngunit wag kang mag alala Ikaw parin ang nauna Ikaw parin ang unang lumiwanag saki'ng mata Pero... eto nalang pala talaga Hanggang magkaibigan lang pala. Hindi ka na nagliliwanag bituin ko Kasabay nun ang pag hampas ng sakin ng matinding lungkot Sapagkat nagdilim na ang maliwanag kong mundo At parang unti unti naring nabubura ang mga ala alang sabay nating binuo. Salamat sa pagkakataong pagbibigay sakin ng maliwanag na mundo Salamat sa pagpapasaya sakin, at pati sa pagbuo ng dating sirang ako Salamat saiyo... Pero Di ko inakalang sisirain mo rin pala ako. Salamat Bituin ko Ika'y mananatili sa puso't isip ko Marahil ay hanggang dito nalang tayo Tandaan mong andito parin ako, kaibigan mo hanggang dulo. Bituin